Ang Panagrambak ay nagmula sa wikang Ilokano na nangangahulugang selebrasyon. Ito ang tema ng pangkalahatang pagtitipon ng mga kawani ng Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ngayong taon. Isang selebrasyon na layong ipamalas ang mga napagtagumpayan ng bawat yunit at mga seksyon ng aklatan.
Sa pagtatapos ng taon, ating gunitain at ipamalas ang mga mga napagtagumpayan ng bawat yunit at mga seksyon ng Aklatan ng Unibersidad. Sama-sama natin itong ipagdiwang sa pamamagitan ng isang Digital Poster Exhibit.
I. Mga Seksiyon sa Main Library
II. Pangkat ng Arte at Literatura
III. Pangkat ng Pamamahala at Ekonomiya
IV. Pangkat ng Agham at Teknolohiya
V. Pangkat ng Agham Panlipunan at Batas
MGA SEKSIYON SA MAIN LIBRARY
Ang Main Library Diliman ay binubuo ng StratComm at apat na pangunahing dibisyon na silang gumaganap sa mga tungkulin at gampanin ng Aklatan. (Mula kaliwa pakanan: Seksiyon ng Strategic Communication, Research and Marketing at mga Dibisyon ng User Services, University Archives, Technical Services, at Information Technology)
PANGKAT NG ARTE AT LITERATURA
Ang pangkat na ito ay binubuo ng mga aklatan mula sa mga kolehiyong nagdadalubhasa sa larangan ng humanidades, kung saan ang bawat isa ay nakatuon sa pagpapaunlad ng pisikal at istetikong kakayahan at mga gawa ng mga mag-aaral. (Mula kaliwa pakanan: Aklatan mula sa mga Kolehiyo ng Sining Biswal, Kinetikang Pantao, Komunikasyong Pangmadla, at Musika)
PANGKAT NG PAMAMAHALA AT EKONOMIYA
Ang pangkat na ito ay mula sa mga aklatan ng mga kolehiyon nakatuon sa pampublikong patakaran, ekonomiya, negosyo at industriya, na binibigyaang-diin ang kahalagahan ng pampubublikong pagpaplano at pag-unlad. (Mula kaliwa pakanan: Aklatan mula sa Linangan ng Turismo sa Asya, mga Paaralan ng Pagnenegosyo, Paggawa at mga Ugnayan sa Industriya, Pagpaplanong Urban at Rehiyonal, Pambansang Kolehiyo ng Administrasyon at Pamamahalang Pampubliko, at Sentro ng Pamamahala sa Teknolohiya)
PANGKAT NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Ang pangkat na ito ay binubuo ng mga aklatan mula sa mga kolehiyong nakatuon sa paghahanap ng siyentipikong katotohanan at mga aplikasyon mula sa mga progreso ng iba’t ibang teknolohiya. (Mula kaliwa pakanan: Aklatan mula sa Paaralan ng Arkiyoloji, mga Kolehiyo ng Arkitektura, Ekonomiyang Pantahanan, Agham, Linangan ng Agham Pandagat, at mga Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon at Estadistika)
Ang pangkat na ito ay binubuo ng mga aklatan mula sa mga kolehiyong nagtataguyod sa pampublikong interes at kahalagahan ng panlipunang disiplina, kamalayan, at pakikibahagi. (Mula kaliwa pakanan: Aklatan mula sa Sentrong Asyano, Kolehiyo ng Edukasyon, Batas, Agham Panlipunan at Pilosopiya, Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan, at Integradong Paaralan ng UP)